Home METRO Kelot kulong sa paggapang sa anak ng kinakasama

Kelot kulong sa paggapang sa anak ng kinakasama

1
0

MANILA, Philippines – Isinelda ang isang sidecar driver matapos gapangin at Halayin ang anak ng kanyang kinakasamasa ka sa loob ng kanilang tirahan sa Navotas City.

Mahaharap ang suspek na si alyas “Roberto”, 33, sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng inamyendahan ng R.A. 8353 o ang New Anti-Rape Law, pati na ang paglabag sa R.A.7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Sa ulat, kamakalawa ng gabi nang gapangin at puwersahan umanong halayin ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang alyas “Maria”, 15, habang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ng kanilang tirahan bago pinagbantaan umano ang dalagita na manahimik na lamang kung ayaw niyang may masamang mangyari sa kanya.

Gayunman, naglakas loob ang biktima na isinumbong sa kanilang kapitbahay ang ginawang seksuwal na pang-aabuso sa kanya ng stepfather kaya agad siyang sinamahan nito sa Northern NCR Maritime Police Station sa Navotas Fish Port Complex sa North Bay Boulevard North para humingi ng tulong.

Kaagad namang nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek pasado alas-3:00 kamakalawa ng hapon.

Inamin naman ng suspek ang panghahalay sa stepdaughter at ikinatuwiran na nasa impluwensiya umano siya ng alak nang mangyari ang insidente. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here