PANGASINAN- Mistulang basurang itinapon sa tabi ng kalsada ang bangkay ng isang babae, kahapon sa bayan ng Bugallon.
Ang biktimang hindi pinangalanan ng kaanak ay tinatayang nasa edad 20, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, itim na short at taga-Barangay Salomague Sur.
Ayon kay Police Lieutenant John Zacarias, operations officer ng Bugallon Police Station, bandang alas-6 ng umaga nagulantang ang mga residente nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada na sakop ng Barangay San Francisco, Bugallon, Pangasinan.
Sinabi ni Zacarias, mayroon na silang persons of interest sa nasabing krimen na posibleng pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon sa naturang kalsada para iligaw ang gagawin imbestigasyon sa kaso. Mary Anne Sapico