Home NATIONWIDE 1,700 parak na may kaugnayan sa election candidates binalasa ng PNP

1,700 parak na may kaugnayan sa election candidates binalasa ng PNP

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na binalasa nito ang nasa 1,700 pulis sa ilang lugar upang maiwasan ang posibleng conflict of interest sa darating na May elections.

Kabilang sa reshuffle ang 1,681 tauhan na may kaanak na tumatakbo sa midterm elections at 95 pang pulois na mayroong “close association” sa mga kandidato, ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuaño.

“Maaari silang ibalik matapos ang election period,” aniya.

Samantala, inirekomenda ng Commission on Elections (Comelec) na ilipat ang dalawang provincial directors sa Maguindanao at sa Bangsamoro.

“Hinihintay na lang namin ang resolution officially ng Comelec bagamat sa ngayon ay wala pa tayong natatanggap doon sa recommendation nila patungkol sa resolution na nilabas ng Comelec,” pahayag ni Tuaño.

“Katunayan yung sa Region 6 yung ating provincial director hindi dahil sa may insidente siya ay tinanggal dahil sa tingin ng RD ng PRO 6 na maaaring maging political ang stand ng mga commander,” dagdag niya.

Sinabi ng police official na pansamantala lamang ito at base sa “assessment.”

“Ang mangyayari hindi lamang dahil may insidente na ikaw ay pwedeng tanggalin. Ikaw ay puwedeng tanggalin kapag sa assessment ng kanilang mga commander ikaw ay hindi magiging patas sa pagpapatupad ng iyong tungkulin sa darating na eleksyon,” aniya. RNT/SA