Home METRO Mister patay sa ingay ng muffler

Mister patay sa ingay ng muffler

165
0

BUCAY, Abra – Nauwi sa pamamaril ang ginawang pagsaway ng isang lalaki dahil lamang sa maingay na muffler sa Barangay Pagala, Bucay, Abra.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang Bucay Police Station mula sa isang concerned citizen na may nangyaring pamamaril sa naturang lugar.

Nabatid na galing sa inuman ang biktima at nang makauwi ito sa kanilang bahay, nakipagtalo ito sa dalawang (2) suspek dahil sa kanilang maingay na muffler.

Dahil dito, basta na lamang binaril ng mga suspek ang biktima at tumakas sakay ang Yamaha Mio 125 na motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na naisugod naman sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Bucay PNP para mabigyan ng atensyong medikal subalit idineklara nang Dead on Arrival (DOA) ang biktima.

Agad na nagsagawa ng manhunt operations ang pulisya matapos na malaman ang pagkakilanlan ng hindi muna pinangalan ng pulisya. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here