MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na inilabas na ng Technical Evaluation Committee ang international certification sa pagsusuri nito na matagal nang hinihintay ng komisyon.
Kabilang sa mga sinuri ay ang automated counting machine at iba pa na bahagi ng ibat ibang sistema para sa maayos na botohan sa Mayo.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ilalabas nila ito sa website ng komisyon upang mabasa ng stakeholders kasama ng mga technical experts, interest parties at political groups.
Sa ngayon, sinabi ng Comelec na walang naging problema o major issues.
“Nung bilangin manually ang balota lahat tugma a naging maayos,” ayon sa komisyon.
Nagpasalamat ang Comelec sa technical evaluation committee sa sertipiaksyon ng lahat ng sistema. Jocelyn Tabangcura-Domenden