Home HOME BANNER STORY Malakanyang dumepensa sa mandatory drug test para sa PUV drivers

Malakanyang dumepensa sa mandatory drug test para sa PUV drivers

194
0

MANILA, Philippines- Dapat munang pag-aralang mabuti ang hirit ng Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng regular drug testing para sa mga drivers ng pampublikong transportasyon.

Ito’y matapos ang sunod-sunod na aksidente ng mga sasakyan na kumitil na rin sa buhay ng ilang indibidwal.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na dapat din kasing isaalang-alang ang kaligtasan ng mga drivers at mga mananakay.

“So, pag-aaralan pa rin po ito at huwag naman po natin agad husgahan na ito ay isang money-making device or strategy,” ang sinabi ni Castro.

”Dapat pong pag-aralan, kasi ito po ay kailangan din po. Tandaan po natin ang inaalagaan po dito iyong safety po ng commuters, ng mga passenger, ng mga tao na gumagamit ng kalsada, including na rin po iyong mga drivers, hindi po ito basta-basta maaaring sabihin na huwag na lang gawin kung ito naman po ay makakasama sa safety,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Nauna rito, sinabi ni PISTON President Ka Mody Floranda, dapat ay hindi ito maging mandatory ang drug testing.

Kaakibat umano rin kasi nito ang usaping pinansyal.

Una nang sinabi ng DOTr na ang mga operator ang sasagot sa gastusin para sa drug testing.

Sinabi naman ni Transportation Secretary Vince Dizon na makikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpapatupad ng kautusan.

Tinuran pa nito na ang mandatory drug testing ay magiging regular basis at isasagawa bawat 90 araw.

Isinagawa ni Dizon ang anunsyong ito sa layunin na ayusin ang “broken system” sa bansa at gawing ligtas ang mga tao sa lansangan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here