Home ENTERTAINMENT Gardo, dumalaw sa puntod ni Nora, may ibinulong!

Gardo, dumalaw sa puntod ni Nora, may ibinulong!

115
0

Manila, Philippines- Patuloy man nagluluksa ay masayang dinalaw ni Gardo Versoza ang puntod ni Nora Aunor sa The Heritage Memorial Park.

May masayang balita kasi ang hatid ni Gardo sa tinawag niyang “marekoy.”

Kinumusta muna ng aktor ang nakahimlay na aktres.

Batid daw niya na kung saan man ito ngayon ay tiyak na masaya ang Superstar.

Segue agad si Gardo sa kanyang balita na tiyak niyang ikatutuwa ni Nora.

May kinalaman ‘yon sa bago niyang proyekto kung saan si Joel Lamangan ang kanyang direktor.

Ani Gardo, he’s pleased to let Nora know na ito raw ang kanyang naging inspirasyon.

‘Yun din daw ang uri ng proyektong natitiyak ni Gardo na gustung-gustong gawin ng Superstar.

Sa sobra nga raw pagiging inspirado ni Gardo ay nag-shoot up ang kanyang blood pressure: 160/100.

Very intense daw kasi ang eksenang kinunan.

Kamakailan ay nag-post si Gardo ng pangamba sa social media, gamit ang larawan nila nina Nora at Jaclyn Jose na pareho nang namayapa.

Pakiramdam daw ni Gardo ay siya na ang susunod.

Several months ago, sumailalim sa isang maselang heart procedure si Gardo na napanagumpayan naman niya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here