Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na positibo sa heavy metals at salmonella ang ₱4.1 milyon halaga ng smuggled na puting sibuyas mula China na nasabat sa Mexico, Pampanga. Ang shipment ay idineklarang “chicken karaage strips” at umabot sa 34 metric tons.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalagang pigilan ang pagpasok ng mga delikado at ilegal na produkto upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mga lokal na magsasaka.
Hindi rin accredited ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang importer at warehouse.
Nangako ang DA at BPI na ipagpapatuloy ang kooperasyon sa mga awtoridad upang wakasan ang ganitong klase ng smuggling. Santi Celario