
Itinaas ang seguridad sa MRT-3 simula Biyernes bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng pasahero kaugnay ng halalan sa Lunes, Mayo 12.
Naka-assign ang mga security personnel sa bawat istasyon, habang may mga pulis na naka-duty sa help desks para sa mga isyung may kinalaman sa seguridad.
Naka-deploy din ang mga K-9 units mula sa MRT-3 at Philippine Coast Guard laban sa posibleng banta ng bomba.
Ayon sa MRT-3, sapat ang bilang ng tren, na umaabot sa 19 sa oras ng dagsa ng pasahero. RNT