Home NATIONWIDE P540M iligal na vape products nasabat sa Bulacan

P540M iligal na vape products nasabat sa Bulacan

MANILA, Philippines – Nasabat ang mahigit 400 kahon ng umano’y ilegal na vape products sa isang bahay sa Marilao, Bulacan noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Internatl Revenue at National Bureau of Investigation, ang mga produkto ay walang tax stamp at may tax liabilities na aabot sa ₱540 milyon.

Ikinasa ang raid matapos matunton ang pinagmumulan ng mga ibinebentang vape online.

Tanging ang babaeng caretaker ang naabutan sa bahay, ngunit pananagutin pa rin ang may-ari at mga retailer.

Kakaharapin nila ang kasong tax evasion at illegal possession ng excisable goods.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon para matukoy ang iba pang pinagtataguan ng mga ilegal na produkto. RNT