Home NATIONWIDE Pinoy na ikinokonsiderang pobre ang sarili, kumonti – sarbey

Pinoy na ikinokonsiderang pobre ang sarili, kumonti – sarbey

MANILA, Philippines – Batay sa survey ng OCTA Research noong Abril 10–16, 2025, bumaba sa 42% ang mga pamilyang Pilipinong itinuturing ang sarili nilang mahirap.

Ito ay katumbas ng 11.1 milyong pamilya, mula sa 50% noong Nobyembre 2024.

Bumaba rin sa 35% ang food poverty, o 9.2 milyong pamilya, mula sa dating 49%.

Nangangahulugan ito ng 2.1 milyong mas kaunting pamilyang nagsasabing sila’y mahirap at 3.7 milyong mas kaunti ang nagsasabing kulang sila sa masustansyang pagkain.

Pinakamataas ang self-rated poverty sa Mindanao (61%) at Visayas (60%), habang pinakamababa ang food poverty sa Metro Manila (14%).

Karamihan sa mga Class E households ang patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa pagkain. RNT