Home ENTERTAINMENT VMX star Karen Lopez, nawawala, ipina-blotter na!

VMX star Karen Lopez, nawawala, ipina-blotter na!

Manila, Philippines- Missing: VMX star Karen Lopez!

Balot ng misteryo ang pagkawala ng sexy star–na habang sinusulat ito’y has been missing for three days.

Hindi kasi sinipot ng 21 anyos na VMX star ang last shooting day ng pelikulang Maalikaya sa Antipolo City.

Tiniyak naman ng manager nitong si Lito de Guzman na darating ang kanyang alaga, pero hindi.

Ang ginawa ng direktor na si Roman Perez Jr. ay hinintay pa rin nila si Karen, pero kinailangan daw niyang i-revise ang script nito.

Ipinagbigay-alam na rin ng ina ni Karen sa Quezon City Police Station ang pagkawala ng anak.

Ayon sa kuwento, base sa CCTV ay sinundo si Karen ng kanyang nobyo sa condo building nito sa Sct. MadriƱan sa QC.

Balitang tutol ang nobyo sa pagpapaseksi ni Karen.

Awang-awa naman si direk Roman sa nababahalang ina ng VMX star. Ronnie Carrasco III