ILOCOS SUR — Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 24-anyos na lalaki matapos mabangga ng Isuzu Elf truck ang minamaneho nitong Honda Click scooter sa national highway sa Brgy. Bulag, Bantay ng lalawigang ito kagabi.
Ayon sa Bulag MPS, ang driver ng scooter ay residente ng Brgy. Bungro, Magsingal, Ilocos Sur, samantalang ang 47-anyos na lalaki na driver ng Isuzu Elf ay residente ng Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur.
Bumibiyahe papuntang silangang direksyon ang scooter habang ang truck ay papunta naman ng opposite direction.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang Isuzu Elf sa sinusundan nitong sasakyan kaya nasakop nito ang linya ng scooter na nagresulta sa banggaan.
Agad na isinugod sa Metro Vigan Hospital ang driver ng scooter.
Gayunman, ang driver ng scooter ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Hindi naman nasaktan o nasugatan ang driver ng truck sa naturang insidente. Rolando S. Gamoso