Home NATIONWIDE Isyu ng vote buying sa Bustos, Bulacan kukumpirmahin pa ng Comelec

Isyu ng vote buying sa Bustos, Bulacan kukumpirmahin pa ng Comelec

265
0

MANILA, Philippines – Hinihintay pa ang pormal na pahayag ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa talamak na vote-buying sa maliit na bayan ng Bustos sa Bulacan.

Sa ulat, nagkaroon umano ng tensyon sa lugar matapos maaktuhan ang pamimili ng boto sa mga residente.

Nang beripikahin ang nasabing ulat, nabigo naman ang ilang grupo ng mamamahayag na kapanayamin si Bustos Chief of Police P/Major Leopoldo Estorque dahil wala siya sa kanyang opisina at hindi rin siya matawagan sa kanyang telepono.

Takot namang magsalita ang mga residente dahil may mga umiikot umano sa lugar na armandong kalalakihan.

Binabantayan umano ng mga armado na ito ang sinuman na maaaring magsumbong sa media tungkol sa nalalaman nila sa umano’y talamak na bilihan ng boto sa kanilang bayan.

Nabigo rin ang ilang mamamahayag na makunan ng panig ang kampo ni Vice Mayor Martin Angeles na naisyuhan na ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) dahil umano sa isyu ng vote buying.

Kaya naman ang mga residente ng Bustos ay nangangamba na baka masayang lamang ang kanilang boto sakaling mauwi sa diskwalipikasyon ang nasabing show cause order.

Isa rin si Atty Joey Cruz, mula sa Brgy. San Pedro ang nakapanayam ng media kung saan kinumpirma nito ang umano’y vote buying incident. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here