Home NATIONWIDE 33 lugar tutustahin sa malaimpyernong init

33 lugar tutustahin sa malaimpyernong init

239
0

Nagbabala ang PAGASA na aabot sa 33 lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng mapanganib na antas ng init o heat index sa Martes, Mayo 13, kung saan inaasahang aabot sa 46 degrees Celsius ang nararamdamang temperatura sa ilang bahagi.

Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Cavite City ang posibleng makapagtala ng pinakamataas na heat index na 46°C — antas ng init na maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan, lalo na sa matatanda, bata, at may iniindang karamdaman.

Tatlong lugar pa ang tinatayang makakaranas ng 45°C heat index: Daet sa Camarines Norte, Legazpi City sa Albay, at Pili sa Camarines Sur.

Samantala, 44°C na heat index naman ang inaasahan sa Pasay City sa Metro Manila, Dagupan City sa Pangasinan, at Masbate City sa Masbate.

Labing-isang lugar ang makakaranas ng heat index na 43°C: Iba (Zambales), Muñoz (Nueva Ecija), Infanta (Quezon), Calapan (Oriental Mindoro), Coron (Palawan), San Jose (Occidental Mindoro), Roxas City at Mambusao (Capiz), Iloilo City at Dumangas (Iloilo), at Guiuan (Eastern Samar).

Labinlimang lugar pa ang posibleng makapagtala ng 42°C heat index: Quezon City, Olongapo, San Ildefonso (Bulacan), Camiling (Tarlac), Tanauan (Batangas), Alabat (Quezon), Puerto Princesa at Cuyo (Palawan), La Carlota (Negros Occidental), Catarman (Northern Samar), Tacloban at Baybay (Leyte), Borongan (Eastern Samar), Maasin (Southern Leyte), at Butuan City (Agusan del Norte).

Ayon sa PAGASA, ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na “mapanganib” dahil sa mataas na posibilidad ng “heat cramps at heat exhaustion,” at posibleng mauwi sa “heatstroke” kung patuloy ang paglalantad sa ilalim ng araw.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling hydrated, umiwas sa matagal na pagbibilad sa araw, at sundin ang mga kinakailangang pag-iingat lalo na tuwing peak heat hours mula alas-11 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here