Home NATIONWIDE P108M lotto jackpots mailap

P108M lotto jackpots mailap

101
0

MANILA, Philippines – Walang pinalad na manalo sa mga major jackpot prizes sa lotto na binola nitong Martes, Mayo 13, ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa Ultra Lotto 6/58, pumalo na sa ₱58,230,643.40 ang jackpot prize, ngunit walang tumama sa winning combination na 09-07-51-14-41-46.

Sa Super Lotto 6/49, wala ring nanalo sa premyong ₱17,504,028.80 matapos ang lumabas na kombinasyon na 16-41-29-04-43-19.

Ganun din sa Lotto 6/42, kung saan wala ring nakakuha ng tamang kumbinasyon na 12-09-15-16-24-20, para sa jackpot na ₱43,009,332.60.

Pinaalalahanan ng PCSO ang publiko na ang lahat ng lotto draws ay isinasagawa nang live, at ang malilikom na kita ay napupunta sa iba’t ibang programang pangkawanggawa sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here