MANILA, Philippines – Kanselado na ang ilang mga flight ngayong Miyerkules, Mayo 14, kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon nitong Martes ng umaga.
Ayon sa abiso, nag-anunsyo ang Cebu Pacific ng kanselasyon ng ilang domestic at international flights bilang pag-iingat bunsod ng aktibidad ng bulkan.
Narito ang listahan ng mga naapektuhang biyahe:
DG 6416 / 6417: Cebu – Iloilo – Cebu
5J 243: Hong Kong – Iloilo
5J 468: Iloilo – Manila
5J 473 / 474: Manila – Bacolod – Manila
Pinapayuhan ang mga pasahero na bantayan ang mga abiso ng airline para sa rebooking at karagdagang update.
Hinihikayat din ang mga apektadong biyahero na tingnan ang kanilang email at makipag-ugnayan sa opisyal na mga channel ng Cebu Pacific para sa tulong. RNT