Home OPINION PHILHEALTH AT DEPED, NAGTIBAY NG UGNAYAN PARA SA KALUSUGANG SERBISYO PARA SA...

PHILHEALTH AT DEPED, NAGTIBAY NG UGNAYAN PARA SA KALUSUGANG SERBISYO PARA SA MAG-AARAL

115
0

SA isang mahalagang hakbang tungo sa pagtitiyak ng kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, nilagdaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at Department of Education (DEPED) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) noong May 8, 2025 sa punong tanggapan ng DEPED sa Pasig city.

Ang nasabing kasunduan ay tugma sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. hinggil sa pagpapalawak ng access sa mga serbisyo ng pa­mahalaan para sa mga mag-aaral, mga guro, at non-teaching personnel sa mga institusyong pang-edukasyon.

Ayon sa kasunduan, magsa­sagawa ang DEPED ng mga kinakailangang mekanismo para sa PHILHEALTH registration, kung saan ang mga paaralan ay magiging mga lugar na nagsusulong ng kalusugan at ang mga school clinics kaya magiging mas episyenteng tagapagbigay ng primaryang serbisyong medikal.

Sa pamamagitan ng tamang pagrerehistro ng lahat ng naka­talang mag-aaral sa PhilHealth, magiging mas abot-kaya at de- kalidad ang mga serbisyong pang­kalusugan para sa mga ba­ta. Bukod dito, nangako ang PHILHEALTH na tutulong sa pag­rerehistro hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng kanilang mga pamilya sa isang Konsulta Package Provi­der upang makakuha sila ng pangunahing serbisyong medikal.

Ayon kay PHILHEALTH presi­dent at chief executive officer Dr. Edwin M. Mercado, “Ang ki­nabukasang iniaalok ng maka­­saysayang ugnayang ito ay isang lipunan ng mga batang mas malusog na paglaki’y magiging mga adulto na may mas mahusay na pag-uugali sa pangangala­ga ng kanilang kalusugan.” Ang hakbang na ito ay bahagi ng estratehiya para sa mas malawak na preventive care na layuning mapabuti ang pagkatuto at produktibidad sa pamamagitan ng pagbawas ng absences at gastos sa gamutan, lalo na sa mga batang may chronic conditions.

Ipinahayag naman ni DEPED secretary Juan Edgardo Anga­ra ang buong suporta ng kagawaran sa inisyatiba: “Ito ang ating pinangarap nang ipinasa natin ang Universal Health Care. Ang mahalaga, may tiwala ang taumbayan na makatatanggap sila ng serbisyo.”

Ang pagtutulungang ito ay alinsunod sa mas malawak na layunin ng pamahalaan na makamit ang Universal Health Care. Sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabataan, inilalatag natin ang pundasyon para sa mas malusog na sambayanang Pilipino.

Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 na contact centers ng PHILHEALTH sa (02) 8662-2588 o sa mga mobile numbers na (Smart) 0998-8572957, 0968-8654670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1109812.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here