MANILA, Philippines – Matapos matalo sa Senate race nitong May 12, buong puso ang pasasalamat ni Manny Pacquiao sa mga sumuporta at maging sa mga hindi bumoto sa kanya.
Sa Facebook post nitong Mayo 15, sinabi niyang bahagi pa rin ng demokrasya ang hindi pumili sa kanya.
“Tuloy ang laban. Tuloy ang serbisyo,” ani Pacquiao.
May usap-usapan din na magbabalik siya sa boxing ngayong Hulyo para sa laban kay Mexican boxer Mario Barrios. RNT