MANILA, Philippines – Binaligtad ng Court of Appeals (CA) at ideneklarang “null and void” ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na nag-aabsuwelto kay dating Senador Leila De Lima at sa kanyang dating aide na si Ronnie Dayan sa kasong droga.
Sinabi ng CA na nagkamali ang RTC dahil naka-base lamang ito sa pag-atras ng isang testigo sa kanyang pahayag nang hindi malinaw na ipinaliwanag kung paano ito nakaapekto sa kaso.
Ang testigo na si Rafael Ragos ay unang nag-ugnay kina De Lima at Dayan sa ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison ngunit binaligtad niya ang kanyang pahayag.
Ayon sa CA, hindi ipinaliwanag ng RTC nang maayos kung anong mga detalye ang naapektuhan ng pag-atras ng testigo at kung aling bahagi ng krimen ang hindi napatunayan.
“However, the public respondent failed to discuss the specific proven facts as well as the laws upon which his pronouncement of acquittal was based,” it added.
Iginiit ng CA na ang Muntinlupa RTC sa desisyon at atas nito na i-acquit si De Lima ay nabigong ihayag ang mga partikular na pahayag na partikular na binawi ni Ragos; ihayag ang partikular ang mga epekto ng mga binawi na pahayag sa mga katotohanang napatunayan ng prosekusyon; at
sabihin kung aling partikular na elemento ng krimen na kinasuhan ang hindi napatunayan.
“Indeed, elementary due process demands that the parties to a litigation be given information on how the case was decided, as well as an explanation of the factual and legal reasons that led to the conclusions of the court,” ayon sa CA.
Dahil dito, ibinalik ng CA ang kaso sa Muntinlupa RTC para muling pag-aralan. Teresa Tavares