MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang dalawang weather system ngayong araw, Mayo 17.
Ayon sa PAGASA, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Eastern Visayas, at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies. RNT/JGC