MANILA, Philippines – Inialay ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang pagkapanalo sa 2025 midterm elections, kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod ng pagproklama sa kanya bilang senador.
Siya ay nasa ikatlong pwesto sa senatorial race sa 20,773,946 boto.
Iginiit ni Dela Rosa na ang mga boto na kanyang nakuha ay protesta para sa pag-aresto sa dating Pangulo ng International Criminal Court.
“Wherever you are, I dedicate this victory to you,” ani Dela Rosa.
Nagpasalamat si Dela Rosa kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang mga ka-partido mula sa PDP-Laban.
“I learned that the people can love you without giving ayuda,” ayon pa kay Dela Rosa. RNT/JGC