Home NATIONWIDE VP Sara, FPRRD binanggit ni Imee sa proclamation speech; nakalimutan si PBBM

VP Sara, FPRRD binanggit ni Imee sa proclamation speech; nakalimutan si PBBM

102
0

MANILA, Philippines – Hindi binanggit ni reelected Senator Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang speech kasabay ng proklamasyon ng mga nanalo sa 2025 polls.

Si Imee ay nasa ika-12 pwesto sa Senate race, ay nagpasalamat sa kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos, at mga anak na dumalo rin sa event.

Bukod sa kanyang pamilya, kinilala rin ni Imee sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

“Kay Presidente Duterte, ang ating dating Pangulo na Oktubre pa lamang itinaas na ang aking kamay, at sa kanyang anak na hanggang sa huling sandali si VP Inday Sara ay ako’y kinakampanya,” ani Imee.

“Ang tagumpay na ito, kahit gaano kailap at kahirap ay isang katibayan na kapag ikaw ay nanindigan para sa tama, mananalo ka,” dagdag pa.

Sa panayam naman kung bakit hindi binanggit ang Pangulo sa kanyang speech, sinabi niya na:

“Ay nalimutan ko na. Wala akong kodigo eh.”

Matatandaan na kumalas si Imee sa senatorial slate ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Kalaunan ay inendorso siya ni Vice President Sara Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here