Home NATIONWIDE Proklamasyon ng 2 waging party-lists na nahaharap sa kaso sinuspinde ng Comelec

Proklamasyon ng 2 waging party-lists na nahaharap sa kaso sinuspinde ng Comelec

106
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na dalawang party-list groups na nanalo sa midterm polls ang hindi ipoproklama habang nakabinbin ang resolusyon ng kani-kanilang kaso sa poll body.

Inihayag ito ni Comelec chairman George Garcia sa isang press briefing ilang oras bago ng proklamasyon ng party-list winners ngayong hapon.

Hindi niya tinukoy ang dalwang party-lists na hindi ipoproklama subalit sinabing:

“Yung isa may tatlong seat, yung isa may isang seat.”

Ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog ang tatlong party-list groups na nanalo ng tig-tatlong pwesto sa midterm polls.

“Kung hindi sila maproklama mamaya, hindi nangangahulugang hindi na sila mapoproklama sa mga susunod na araw. Kaya lang pinagpaliban muna bilang pagrespeto ng proseso rin,” pahayag ni Garcia. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here