MANILA, Philippines- Nakatakdang magpartisipa ang Pilipinas at US Marine Corps sa taunang “Kamandag” exercises mula May 26 hanggang June 6 para palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang armed services.
Idinaos simula pa noong 2016, ang annual bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Marine Corps (PMC) at US Marine Corps ay naghahangad na palakasin ang kahandaan ng ‘multi-national military, interoperability at regional defense capabilities.’
Sa isang abiso, sinabi ng PMC na ang “Kamandag” o Exercise Kaagapay ng Mga Mandirigma Mula sa Dagat, ay magbubukas sa Marine Barracks Rudiardo Brown, Fort Bonifacio sa Taguig City.
Sa oras na ito, wala namang detalyeng ipinalabas hinggil sa bilang ng mga magpapartisipang mga sundalo at asset.
Ang ilan sa ‘high impact training activities;’ ay ang chemical, biological, radiological, nuclear at explosive mula May 27 hanggang June 5, sa Fort Bonifacio rin ; tinatawag na maritime and special operating force events sa Naval Station Leovigildo Gantioqui sa San Antonio, Zambales at BTPI Firing Range sa Morong, Bataan mula May 27 hanggang June 4; live-fire integration sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Capas, Tarlac sa May 29 at isang maritime strike sa Burgos, Ilocos Norte sa May 29 din.
Isasagawa ang isang counter-landing/defensive retrograde operation ng mga magpapartisipa sa Camp Bojeador, Burgos, Ilocos Norte at Paredes Air Station sa Pasuquin, Ilocos Norte, kapwaa sa darating na May 29.
Samantala, ang special operating forces strike ay isasagawa naman mula May 30 hanggang June 5 sa Culili Point Paoay Sand Dunes, Ilocos Norte Laoag International Airport.
Ang humanitarian assistance at disaster relief exercises ay idaraos naman sa June 2 hanggang 4 sa Berung Airfield, Quezon, Palawan. Kris Jose