Home METRO Davao del Norte niyanig ng M-5.2 quake

Davao del Norte niyanig ng M-5.2 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Santo Tomas, Davao del Nortenitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naganap ang lindol ng alas-11:41 ng umaga.

Natukoy ang epicenter nito sa 07.50°N, 125.65°E – 004 km S 39° E ng Santo Tomas.

May lalim ang lindol na 32 km at natukoy na tectonic.

Walang inaasahang pinsala subalit posibleng magkaroon ng aftershocks, ayon sa PHIVOLCS. RNT/SA