Home ENTERTAINMENT Rendon, bibili ng unggoy, ipapangalan kay Diwata!

Rendon, bibili ng unggoy, ipapangalan kay Diwata!

Manila, Philippines- Ang social media influencer na si Rendon Labador ang pinagtitripan ngayon ng content creator na si Rosmar Tan.

Alaskado kasi si Rendon kay Rosmar dahil ipinangalan ni Diwata ang kanyang alagang aso sa kanya.

Feeling ni Rendon, hindi coincidence kundi sinadya ng paresan owner na ipangalan ang pet dog nito sa kanya.

But knowing Rendon, hindi ito nagpatinag .

May naisip kasi siyang resbak agad para makaganti.

Ang siste, bet naman ni Rendon na bumili ng pet monkey.

He enjoined his social media followers to help him think of a name na babagay sa unggoy.

Post ni Rendon: “Ano kaya ang magandang ipangalan sa unggoy?”

Sana rin daw ay ang mabili niyang pet monkey ay meron nang gintong kuwintas sa leeg.

“Para magandang tingnan!” katwiran niya.

Walang lusot si Rendon kung mapaparatangang hindi si Diwata ang pinatutungkulan niya.

Tulad ng alam ng lahat, agaw-pansin ang makapal na gold necklace ni Diwata na suot niya sa kanyang leeg.

Samantala, bigo naman si Diwata nitong nakaraang eleksyon nang ‘di makakuha ng sapat na boto para maging third nominee sa Vendors’ Partylist. Ronnie Carrasco III