MANILA, Philippines- Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magpapatupad ang Philippine government ng ban sa pag-angkat ng poultry meat mula sa Brazil na sapul ng maraming kaso ng bird flu.
Inanunsyo ito ni Tiu Laurel sa Palace press briefing ngayong Lunes.
Batay sa ulat, kinumpirma ng Brazil, pinakamalaking chicken exporter sa buong mundo, ang una nitong outbreak ng bird flu sa isang poultry farm nitong Biyernes. RNT/SA