Home NATIONWIDE Nasa 6 Chinese underwater drones narekober ng PCG sa katubigan ng Pinas

Nasa 6 Chinese underwater drones narekober ng PCG sa katubigan ng Pinas

235
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes na ang “anim o pitong” underwater drone na pinaniniwalaang nagmula sa China ay natagpuan sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, itineturn-over sa Armed Forces of the Philippines ang mga drone.

Sinabi ng opisyal na kamakailan ay hinamon nito ang dalawang Chinese research vessel sa loob ng exclusive economic zone ng bansa: isang 151 nautical miles kanluran sa baybayin ng Itbayat, Zambales, at ang iba pang 40 hanggang 45 nautical miles sa baybayin ng Burgos, Ilocos Norte.

Nauna nang naalarma si outgoing senator Francis Tolentino sa mga ulat ng mga unmanned underwater drone na nakukuha sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Navy, maaaring magkaroon ng mas maraming dayuhang barko sa ilalim ng dagat sa loob ng teritoryo ng bansa.

Sinabi rin ng ibang southeast Asian countries, Vietnam, Indonesia, at Malaysia, na may namamataan din silang underwater drones na may markings ng China.

Umaasa ang PCG na isasaalang-alang ng mga mambabatas sa 20th Congress ang pagsusulong ng mga panukalang batas na magpapaunlad sa maritime research capabilities ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here