MANILA, Philippines – IPINAGMALAKI ng Quezon City Police District (QCPD) na naging mapayapa ang katatapos na mid term election at walang iniulat na malaking karahasan na naganap sa Quezon City sa panahon ng election.
Sinabi ni QCPD OIC PCOL Randy Silvio, walang naitalang election-related violent incidents sa lungsod sa katatapos na national and local election noong Mayo 12.
Sa ginanap na QC Journalist forum sinabi ni Col. Silvio na walang malaking crime incident sa katatapos na election sa nakalipas na mid term election.
“Nag-increase ang apprehension ng mga otoridad ng mga loose firearms dahil sa mga inilatag na check point ng PNP” ayon pa kay Col. Silvio.
Ayon pa sa chief ng QC police resulta aniya ito ng pagtutulungan ng QCPD, Commission on Elections (COMELEC), Joint Task Force-National Capital Region, Armed Forces of the Philippines (AFP), Coast Guard District NCR-Central Luzon, Department of Education -NCR, Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Quezon City government upang maging matahimik ang nakalipas na election.
Sinabi ni Col Silvio, higit sa 4,000 pulis mula sa QCPD at partner agencies ang ipinakalat sa 175 polling centers sa lungsod.
“Bukod sa pagkakakumpiska sa mga loose firearms tumaas din ang mga naaresto dahil sa mga Warrant of Arrest na ipinalabas ng Korte” dagdag pa ni Col. Silvio. Santi Celario