Home ENTERTAINMENT ‘Third party’ sa Kyline-Kobe breakup, nagsalita na!

‘Third party’ sa Kyline-Kobe breakup, nagsalita na!

Manila, Philippines- llang buwan makaraang mag-split sina Kyline Alcantara at Kobe Paras ay nagsalita na ang babaeng itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Siya si Rhalla Tomakin na napabalitang kasama ni Kobe sa Bali, Indonesia.

Nakunan pa ang dalawa na nakatalikod pero magka-holding hands.

Was Rhalla actually the cause of the much-ballyhooed Kyline-Kobe falling out?

Diretsong in-address ni Rhaila ang isyu.

Aniya: “Kobe is actually not my usual type. I’m not into sports people!”

To begin with, tulad ng kanyang ama ay basketbolista rin si Kobe.

Patuloy ni Rhaila: “I’m into business people. I go for a guy who can stimulate my mind. A guy who I don’t have to teach how to be a man!”

Weakness din daw niya ang mas mature na lalaki kundi man older than her.

Itinanggi rin ni Rhaila na sila lang ni Kobe ang nasa Bali.

“It was a group trip of friends,” paglilinaw niya.

Pero iginiit niya na noong time na ‘yon ay wala nang relasyon sina Kyline at Kobe.

Gayunpaman, Rhaila wishes Kyline well–bagay na ipinagdarasal din ni Kobe. Ronnie Carrasco III