Home HOME BANNER STORY DOJ nakikipag-ugnayan na sa Interpol sa red notice vs Roque

DOJ nakikipag-ugnayan na sa Interpol sa red notice vs Roque

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice na nakikipag-ugnayan na sila sa Interpol upang magpalabas ng red notice laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay matapos mag-isyu ng arrest warrant ang Angeles City Trial Court laban kay Roque dahil sa reklamong qualified human trafficking.

Matatandaan na sinabi ni Roque na political persecution lamang ito dahil wala aniyang sapat na ebidensya laban sa kanya.

Kasalukuyang nasa The Netherlands si Roque habang hinihintay ang desisyon hinggil sa kanyang request na asylum. Teresa Tavares