Home NATIONWIDE DOTR naghahanap ng bagong gagawa sa Unified Grand Central Station

DOTR naghahanap ng bagong gagawa sa Unified Grand Central Station

243
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Transportation (DOTr) na maibigay sa iba ang kontrata para sa Unified Grand Central Station project, pagsapit ng ikatlong quarter ng taong kasalukuyan, ayon kay Secretary Vince Dizon.

Noong nakaraang linggo, pormal nang kinansela ng DOTR ang kontrata sa BF Corporation and Foresight Development and Surveying Company (BFC-FDSC) Consortium dahil sa “excessive construction delays.”

Dapat sana ay natapos na ang proyekto ng common station na magdurugtong sa MRT-3, LRT-1, at MRT-7 noon pang 2021.

“Ito na ang unang step para mag-restart na tayo ng trabaho. Kung hindi tayo magmo-move on forever nang ganito, mabubulok na lang ‘to,” ani Dizon, kasabay ng inspeksyon ng nabalahaw na construction site sa Quezon City.

Sinabi ni Dizon na pinag-aaralan pa ng DOTR kung paano nila ipapa-bidding ang proyekto, bagamat nakikita nila ang posibilidad ng Public Private Partnership (PPP).

“Pinag-aaralan natin kasi alam niyo naman, meron tayong bagong procurement law na kakapasa lang. Marami doong modes. Basta sabi ni Pangulo, ang pinakamabilis, ‘yun ang gagawin natin. Pwedeng PPP kasi marami namang interested na PPP proponents dito,” dagdag ni Dizon.

Aniya, layunin ng proyekto na magkaroon ng common station na magiging operational pagsapit ng 2027, sakto rin sa pagbubukas ng MRT-7.

Iginiit niya ang kahalagahan ng pagpapabilis ng proyekto upang makinabang ang milyon-milyong commuter araw-araw.

“Ang MRT-3 alone, 500,000 kada araw ‘yan. Kung idadagdag mo si LRT-1, you’re looking at maybe 400,000. Meron ka pang MRT-7 (na) siguro initially you’re looking at 200-300K a day. So yung gagamit potentially nito mahigit isang milyon kada araw.”

Nang tanungin naman kung ano ang sanhi ng pagkaantala sa bahagi ng BF Corp, sinabi ni Dizon na nagbigay ng ilang dahilan ang kompanya.

“COVID, may utang ang DOTr, etc etc… Granted, nagka-COVID pero 4 na taon, sobra sobra na,” sinabi ni Dizon.

“Ang nangyayari ngayon pinagbabangga lang ‘yung claim nila versus ‘yung claim ng gobyerno. Kung may utang ang gobyerno, babayaran ng gobyerno. Kung may utang ang BF, dapat magbayad,” dagdag pa.

Wala pang tugon ang BF Corp kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here