MANILA, Philippines – Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil na ipagpapatuloy ng papalit sa pwesto ang mga reporma sa police force.
Ito ang sinabi ni Marbil sa panayam sa Camp Crame nitong Miyerkules, Mayo 21, tatlong linggo bago mapaso ang term extension niya sa Hunyo 7.
“I don’t go for legacy. We want continuity… Reforms, changes, and improvements should be continued.”
Iginiit ni Marbil ang pangangailangan na pagbutihin ang promotion system ng PNP at palakasin ang training program sa mga pulis.
“Mandatory continuous learning, education about the law, that’s what we want,” anang PNP chief.
Noong Lunes, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na nasa proseso na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagpili sa susunod na PNP chief. RNT/JGC