Home OPINION USAPANG NCAP? YES TO MMDA, NO TO LGU

USAPANG NCAP? YES TO MMDA, NO TO LGU

175
0

DININIG ng Supreme Court kamakailan ang apila ng Metropolitan Manila Development Authority na i-lift ang temporary restraining order sa no-contact apprehension policy o NCAP.

Partial lifting lamang ang naging desisyon ayon na rin sa urgent motion na inilapit ng MMDA sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General at hindi nito nasasakupan ang NCAP na dati ring ipinatupad ng mga local government unit sa loob ng National Capital Region.

Pinayagan ng SC ang operasyon ng MMDA sa NCAP doon lamang sa mga major road lalong lalo na ang EDSA at C-5.

Sa dami ng road accidents nitong mga nakaraang araw, sang-ayon tayo sa ganitong hakbang ng ahensiya upang masawata ang mga pasaway na motorista at mapasunod ang lahat sa traffic rules and regulations.

Aba siyempre naman, isang pitik lang ng camera ang katapat para sa violations tulad ng walang permisong paggamit ng bus lane sa EDSA, over speeding, obstruction sa traffic flow at pedestrian lane, beating the red light at iba pa na nakikita ng MMDA CCTV.

Dear readers, parang professional photographer ang NCAP-sa bawat pitik, may bayad este multa pala. Ang kaibahan nga lang ay bad photos o apprehension ang tanging ido-dokumento ng ahensya, he-he-he.

Mas kumpiyansa tayo sa implementasyon ng MMDA sa NCAP kaysa sa LGU’s bago ito na-TRO noong August 30, 2022. Reasonable ang mga multa, mas simple at maayos ang proseso at sistema.

Hindi naman natin nilalahat, aba ‘eh kung ikukumpara mo sa implementasyon sa ilang LGU sa NCR, sabi nga ng ilang miron, parang holdap ‘daw’ ang nangyayari dahil bukod sa laki ng multa ay mukhang keyboard warriors daw ang ilang nakatalaga sa CCTV monitoring room na kontrolado ng Public-Private Partnership (PPP). Mantakin mo ba namang alam nang may ongoing road construction sa isang intersection, sirang traffic lights, sira o malabong prohibition signs ay sige pa rin ang pagpitik, he-he-he. Isang malaking abala pa kung i-a-apila mo iyan sa adjudication board. Sabi pa ng isa nating kasama sa hanapbuhay, nasa camera ang pera, ha-ha-ha.

Yung mga tricycle na violator at jaywalker na dahilan ng obstructions, pinipitikan din kaya?

Suportahan natin ang NCAP ng MMDA para naman ligtas sila at maiiwasan na ang pakikipagpatintero ng kanilang enforcers sa mga pasaway lalo na diyan sa bus lane, he-he-he.

Sa LGU NCAP, it’s a big ‘NO’, hanggat hindi inaayos ang dapat ayusin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here