Home NATIONWIDE Isa pang mataas na opisyal ng OWWA sibak sa pwesto sa P1.4B...

Isa pang mataas na opisyal ng OWWA sibak sa pwesto sa P1.4B land deal

126
0

MANILA, Philippines – Isa pang mataas na opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang inalis dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa isang P1.4-bilyong land deal na hindi pinahintulutan ng OWWA Board, sinabi ng Malacañang noong Miyerkules.

Tulad ng dating OWWA Administrator Arnel Ignacio, tinanggal sa kanyang puwesto si Deputy Administrator Emma Sinclair, sinabi ni Presidential Communications Usec. Claire Castro sa isang press conference sa Malacanang.

Sinabi ni Castro nananawagan ang pangulo sa lahat ng manggagawa ng gobyerno na gawin ang kanilang mga trabaho at huwag makisali sa katiwalian.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na tinanggal si Ignacio bilang hepe ng OWWA dahil sa pagkuha ng kapirasong lupa nang walang kaukulang pag-apruba mula sa OWWA Board.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa hindi awtorisadong deal, ngunit ipinakita sa mga inisyal na natuklasan na hindi ginamit ang trust fund ng OWWA para sa kuwestiyonableng pagbili ng ari-arian. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here