Home NATIONWIDE Chinese timbog sa P9.1M ‘di rehistradong vape products sa Bulacan

Chinese timbog sa P9.1M ‘di rehistradong vape products sa Bulacan

208
0

Bulacan – Arestado sa operasyon ng mga awtoridad ang Chinese national matapos umanong mahulihan ng P9.1 million halaga ng unregistered vape products sa bayan ng Marilao.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes, sa Brgy. Prenza.

Isang alyas “Ping” ang nahuli sa operasyon na nagbebenta umano ng unregistered vape products na walang kaukulang permiso gayundin sa Department of Trade and Industry.

Nabatid na nakumpiska sa operasyon ang nasa 26,000 piraso ng assorted vape products sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang yunit ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here