Home NATIONWIDE Pope Leo nanawagan ng sapat na humanitarian aid sa Gaza

Pope Leo nanawagan ng sapat na humanitarian aid sa Gaza

149
0

VATICAN – Nanawagan si Pope Leo XIV nitong Miyerkules, Mayo 21, para sa sapat na humanitarian aid na payagang makapasok sa Gaza na nasalanta ng digmaa.

Ang paawagan ng Papa ay kasunod ng naging pahayag ng mga humanitarian agencies na ang pagharang ay nagdulot ng kritikal na kakulangan sa pagkain at gamot.

“The situation in the Gaza Strip is worrying and painful,” sinabi ng Papa sa unang lingguhang audience sa St. Peter’s Square.

“I renew my heartfelt appeal to allow the entry of sufficient humanitarian aid and to put an end to the hostilities, the heartbreaking price of which is paid by children, the elderly, the sick,” sabi ng Papa.

Ginawang tema ng kanyang Papasiya ang kapayapaan sa ngayon na nananawagan ng tigil-putukan sa digmaang Israel-Hamas.

Ang Israel ay sumailalim sa matinding pang-internasyonal na panggigipit na talikuran ang pinaigting na kampanyang militar nito sa Gaza at payagan ang kagyat na makataong tulong sa kinubkob na strip.

Inihayag ng UN noong Lunes na nakapagpadala na ng tulong sa unang pagkakataon mula nang magpataw ang Israel ng kabuuang blockade noong Marso 2, na nagdulot ng matinding kakulangan sa pagkain at gamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here