MANILA, Philippines – Isinampa na ng Department of Justice ang kasong money laundering sa Capas RTC laban kay Guo Hua Ping, na kilala rin bilang dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo.
Kasama sa kaso ang 26 bilang ng paglabag sa Section 4(a) o transacts said monetary instrument or property, limang bilang ng paglabag sa Section 4(b) o converts, transfers, disposes of, moves, acquires, possesses or uses said monetary instrument or property, at 31 bilang ng Section 4(d) o attempts/conspires to commit money laundering offenses.
Si Alice, kasama ang kanyang mga magulang na sina Jian Zhong Gui at Lin Wenyi, at mga kapatid na sina Shiela at Seimen, ay mga opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nananatili na ang kinikita mula sa POGO activities sa loob ng Baofu compound, na pag-aari ng mga Guo, ay inililipat sa mga lehitimong negosyo ng pamilya Guo.
Ang Baofu ay ilang beses nang isinailalim sa search warrant dahil sa illegal activities ng Hongsheng, ang POGO operator na nasa likod ng mga online gambling, internet fraud, at iba pang cybercrime operations. Teresa Tavares