Home METRO Southbound lane ng AH Lacson Ave sarado mula May 23-26

Southbound lane ng AH Lacson Ave sarado mula May 23-26

191
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsasagawa ng road reblocking at pagkukumpuni sa southbound na bahagi ng AH Lacson Avenue malapit sa Laon Laan Street, Maynila, mula Mayo 23, 10 ng gabi hanggang Mayo 26, 5 ng umaga.

Isang 18-metro ang haba at 4.5-metro ang lapad na inner lane ang pansamantalang isasara.

Pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang trapiko.

Bahagi ito ng programang “Build Better More” na naglalayong pagbutihin ang kaligtasan at daloy ng trapiko sa Metro Manila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here