Home ENTERTAINMENT Anne Curtis at Andrea Brillantes, pinagkumpara matapos ang isyu kay Justin Bieber

Anne Curtis at Andrea Brillantes, pinagkumpara matapos ang isyu kay Justin Bieber

234
0

Manila, Philippines — Muling naging sentro ng intriga sina Anne Curtis at Andrea Brillantes matapos mapansin ng netizens na pina-follow na ng Canadian pop star na si Justin Bieber si Andrea sa social media.

Dahil dito, muling nabuhay ang lumang isyu kay Anne Curtis, kung saan diumano’y tinanggihan ng aktres ang kahilingan ni Justin na makuha ang kanyang contact number noong nagkaroon ito ng concert sa Pilipinas. Ayon sa mga ulat, sa pamamagitan pa umano ng manager ni Anne naganap ang naturang request, ngunit nanindigan ang aktres at hindi ito ibinigay.

Marami ang humanga sa pagiging pribado at paninindigan ni Anne, na anila’y hindi basta-basta nagpapa-impress kahit pa sa isang global superstar. Dahil dito, may ilan na ikinumpara siya kay Andrea, lalo na’t openly pina-follow ng singer ang mas batang aktres.

Bagama’t walang masama sa pakikipagkaibigan sa social media, nababahiran ng intriga si Andrea dahil sa mga naunang kontrobersiyang kinasangkutan niya. May mga nagsasabing mas may “class” umano si Anne dahil sa kanyang diskarte, habang may iba namang naninindigang unfair ang ganitong comparison lalo na’t magkaiba ang estado at panahon ng dalawang aktres.

Si Anne Curtis ay kasal na at matagal nang kilala sa pagiging pribado sa buhay pag-ibig, habang si Andrea ay isang young actress na bukas sa social media engagements.

Sa kabila ng lahat, marami ang nananawagang tigilan na ang ganitong uri ng panghuhusga at pagtutok sa personal na buhay ng mga babae sa showbiz, lalo’t batay lamang ito sa social media interactions.

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here