MANILA, Philippines – Nangako si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na magsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y pagbabanta ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa mga retiradong opisyal ng Philippine National Police.
Ayon sa kanya, pinipilit ng ICC ang mga retirado na pumirma ng affidavit na magpaparatang sa kanya at sa dating Pangulong Duterte. Nangyayari umano ito sa isang hotel sa Pasay City.
Hinimok ni Dela Rosa si Pangulong Marcos na palayasin ang mga ICC investigator upang iprotekta ang soberanya ng Pilipinas at ang mga pulis.
Tinawag niyang walang sinseridad ang nangyayari at nanawagan ng agarang aksyon bilang tanda ng tunay na pagkakasundo. RNT