Home HOME BANNER STORY Kaso ng mpox sa S. Cotabato tumaas sa 10

Kaso ng mpox sa S. Cotabato tumaas sa 10

184
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 10 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox (mpox) sa South Cotabato hanggang Mayo 22.

Ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) kabilang sa mga apektadong lugar ang Tboli (4), Surallah (2), Banga (1), Tantangan (1), Lake Sebu (1), at Koronadal City (1).

Ayon kay Eldon Hans Serame ng IPHO, ang pagtaas ng kaso ay resulta ng aktibong surveillance at contact tracing sa lalawigan.

“Kapag may sintomas, agad nating ini-isolate kahit wala pang confirmatory test,” aniya.

Dahil walang partikular na lunas sa mpox, nakatuon ang mga health worker sa pag-manage ng sintomas.

Iginiit naman ni Dr. Conrado Braña na hindi kasing lala ng COVID-19 ang mpox at mas madali itong kontrolin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here