Home NATIONWIDE P20/kg bigas mabibili na sa San Ildefonso, Bulacan

P20/kg bigas mabibili na sa San Ildefonso, Bulacan

135
0

MANILA, Philippines – Mabibili na ang P20 kada kilo bigas sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na!” sa Kadiwa Center sa San Ildefonso, Bulacan.

Layunin nito na  matulungan ang mga mahihirap tulad ng mga senior citizens, PWDs, solo parents, at benepisyaryo ng 4Ps.

Puwedeng bumili ng 5 hanggang 10 kilo araw-araw.

Bagamat dilaw ang kulay ng bigas, nagiging puti ito pag niluto at nananatiling masustansya.

Nakakatipid ang mga pamilya at nakakabili ng mas masustansyang pagkain.

Tiniyak ng Department of Agriculture ang sapat na suplay ng bigas sa pamamagitan ng direktang pagbili mula sa mga magsasaka. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here