Home LIFESTYLE HEALTH Gatas ‘di alternatibong gamot vs TB – eksperto

Gatas ‘di alternatibong gamot vs TB – eksperto

251
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine College of Physicians na ang tuberculosis (TB) ay isang seryosong sakit sa baga na dulot ng bakterya at nangangailangan ng wastong gamutan.

Dagdag pa ng grupo na nakakatulong ang gatas sa kalusugan ng buto ngunit hindi ito kapalit ng paggamot sa TB.

Ang lunas ay apat na gamot na iniinom ng anim na buwan.

Ang pagkaantala sa gamutan ay maaaring magpalala ng impeksyon at magdulot ng kamatayan.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Health na bigyang-priyoridad ang paglaban sa TB dahil mataas ang kaso sa Pilipinas.

Pinapalakas ng DOH ang paghahanap at paggamot ng mga pasyente ng TB. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here