MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng PhilHealth ang mga miyembro na kumonsulta sa doktor kung nakararanas ng sintomas ng sakit sa thyroid, kasabay ng World Thyroid Day sa Mayo 25.
Apektado ng thyroid abnormalities ang 8.3% ng mga Pilipino, at mas mataas ang thyroid cancer sa kababaihan.
Nagbibigay ang PhilHealth ng benepisyo para sa congenital hypothyroidism, chronic thyroiditis, at parathyroid disorders, pati na rin sa mga operasyon tulad ng thyroid biopsy at thyroidectomy.
Saklaw ang gastos mula PHP15,639 hanggang PHP90,675 sa mga accredited na ospital.
Dalhin ang PhilHealth ID at mga dokumento para agad magamit ang benepisyo. RNT






