Home HOME BANNER STORY Higit 55K bagong guro pasado sa March 2025 Licensure Exam

Higit 55K bagong guro pasado sa March 2025 Licensure Exam

139
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng karagdagang 55,029 bagong educators ang Pilipinas matapos nilang matagumpay na makapasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na isinagawa noong Marso 23, 2025, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Batay sa datos ng PRC, 16,282 sa 34,810 examinees (46.77%) ang pumasa para sa elementary level, habang 38,747 sa 62,225 examinees (62.27%) naman ang pumasa para sa secondary level. Ang pagsusulit ay isinagawa sa 38 testing centers sa buong bansa.

Sa mga pumasa para sa elementary level, 13,819 ay first-timers habang 2,463 ay repeaters. Samantala, sa secondary level, 32,624 sa mga nakapasa ay first-timers at 6,123 ay repeaters.

Ayon sa PRC, iaanunsyo pa sa mga susunod na araw ang eksaktong mga petsa at lugar ng mga oathtaking ceremonies ng mga bagong lisensyadong guro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here