Home NATIONWIDE Koreano na wanted sa gang violence, naaresto ng NBI

Koreano na wanted sa gang violence, naaresto ng NBI

230
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa gang violence.

Kinilala ng NBI ang banyaga bilang si Jang Seong Woong, na nasukol ng NBI–Organized and Transnational Crime Division (OTCD) at Bureau of Immigration (BI)–Fugitive Search Unit (FSU), katuwang ang Korean National Police Agency (KNPA) at Philippine Air Force (PAF) Military Intelligence.

Ang pag-aresto ay base sa opisyal na komunikasyon mula sa Senior Consul ng Embahada ng Republic of Korea sa BI, na kumilala sa banyaga bilang isang undesirable alien na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil sa kanyang katayuan bilang isang takas mula sa hustisya.

Inisyu rin ang Red Notice ng International Criminal Police Organization (Interpol) para kay Woong, kasunod ng warrant of arrest mula sa Daegu District Court para sa serious physical injury at kidnapping bilang paglabag sa Criminal Act of Korea.

Si Woong, kasama ang iba pang miyembro ng gang, ay sinasabing pinigil at sinaktan ang isang indibidwal gamit ang baseball bat sa isang pag-atake na may kaugnayan sa mga utang ng biktima sa pagsusugal.

Ayon sa BI, dumating si Woong sa Pilipinas noong Mayo 1, 2017 bilang turista at nabigyan ng 30-araw na pamamalagi.

Nag-apply siya para sa mga extension, at ang pinakahuling extension ay valid hanggang Enero 28, 2020. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here