Home NATIONWIDE Pinoy scholar nagtapos nang may karangalan sa US Coast Guard Academy

Pinoy scholar nagtapos nang may karangalan sa US Coast Guard Academy

162
0

MANILA, Philippines- Isang iskolar ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagtapos ng pag-aaral sa United States Coast Guard Academy (USCGA) na may karangalan kamakailan at babalik sa Pilipinas para maglingkod, armado ng mga kasanayan at kaalamang natutunan niya sa prestihiyosong learning institution sa ibang bansa.

Nakamit ni Probationary Ensign John Rex Adong Gaviola ang karangalang magna cum laude na may Bachelor of Science (BS) degree sa Mechanical Engineering bilang bahagi ng USCGA Class of 2025.

Nagmartsa si Gaviola kasama ng 262 graduates sa USCGA’s 144th commencement exercises sa ginawa sa New London, Connecticut, USA noong May 21.

Dinaluhan ang seremonya nina US Department of Homeland Security (DHS) Secretary Kristi Noem at US Coast Guard (USCG) Commandant, Admiral Kevin Lunday.

Samantala, sinamahan ni Rear Admiral Tito Alvin Andal, acting commander of the PCG Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC), ang pamilya ni Gaviola sa seremonya.

Si Gaviola, na nagmula sa Cavite, ay naging iskolar sa ilalim ng International Cadetship Program ng PCG mula noong 2021. Nagtapos siya sa Philippine Science High School Main Campus nang may karangalan noong 2021.

Kasama ang isa pang Pilipinong kadete, siya ay napili mula sa 111 mga aplikante para sa international scholarship program.

“Upon his return to the Philippines, P/ENS Gaviola will be commissioned into the Coast Guard service with the rank of Ensign,” sabi ng PCG .

Maghahatid si Gaviola ng hindi bababa sa walong taon ng patuloy na aktibong serbisyo sa PCG pagkatapos ng kanyang pagtatapos.

Binati ng PCG si Gaviola at umaasang siya ay magiging isang mahusay na opisyal ng Coast Guard sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here