Home NATIONWIDE Lito Lapid pormal nang nanumpa bilang senador

Lito Lapid pormal nang nanumpa bilang senador

188
0

Opisyal nang nanumpa si Senador Lito Lapid sa kanyang ika-apat na termino sa Senado sa isang payak na seremonya sa Porac, Pampanga noong Mayo 25, 2025.

Si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion at kapatid ng senador, ang siyang nagpanumpa sa kanya. Kasama rin niya ang kanyang pamilya sa okasyon.

Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13 milyong Pilipinong bumoto at muling nagtiwala sa kanya.

Nangako siyang magpapatuloy sa pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng mga mahihirap.

Kilala si Lapid bilang pangunahing may-akda ng Free Legal Assistance Act of 2010 (Republic Act No. 9999) o “Lapid Law,” na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga kapos-palad. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here